Wednesday, July 11, 2007

'Eto ba ang children of the future?

I came across a website from searching entries for a keyword of my community. By chance, na-click ko ang isang link that redirected to the URL posted at the end of this post. I don't know who the photographer is, pero ang nakalagay lang dun is US-based siya. But the keywords of these pictures are bagong silangan quezon city manila asia which means, sa community nga namin kinuha ang mga pictures na 'to. Pero I still have doubts kasi hindi ko ma-recognize kung saan banda yung mga lugar na pinagkunan ng mga pictures na ito.

Kung totoo mang sa aming lugar ito o hindi, iisa lang ang pinahihiwatig ng mga pictures na 'to: ang lumalalang kalagayan ng mga kabataan sa Pilipinas. Laganap ang malnutrisyon na bunga ng kahirapan ng buhay. Ang mga batang ito, na sa murang edad ay nagtatrabaho upang may maipangsiksik lang sa tiyan, ay siya sanang mga "pag-asa" ng bayan. Sana, nakakapaglaro sila at nagiging masaya. Sana, nakakapag-aral sila at natututo ng mga aralin sa eskwela. Sana, nakakakain sila ng tatlong beses sa isang araw at nakakukuha ng sapat na nutrisyon. Pero, base sa ipinapakita ng mga larawang ito, unti-unti nang nagdidilim ang liwanag ng pag-asang magpapabago sa ating hinaharap. Malaki ang bilang ng population ng mga kabataan, lalo na yung mga nabibilang sa bracket na 15 years old at pababa. Napakamurang edad kung iisipin, marami pang mga makabuluhang bagay na gagawin. Pero milyun-milyon sa mga batang ito ay palaboy, malnourished, salat sa kaalaman dahil walang pinag-aaralan, at kulang sa tamang pagkalinga at pagmamahal. Ang masama pa, ang pinakamalulupit na ibinubunga ng isang komunidad sa mga kabataan, tulad ng pagka-involved sa mga krimen, sekswalidad, pagnanakaw, at paggamit ng bawal na droga, ay natutunan na ring gawin ng ilang mga kabataan.

Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi balanse ang pag-unlad ng Pilipinas. Hindi balanse, ibig sabihin, sa iilang sektor lang ang umuunlad. Sa kasalukuyan, naka-classify ang Pilipinas as newly industrialized country. Maunlad sa business process outsourcing at marketing, pero nananatiling lagpak ang kalagayan ng edukasyon at serbisyo-publiko. Laganap pa rin ang katiwalian sa gobyerno. Mataas pa rin ang jobless people kahit in-demand at maraming job opportunities. Kaya ang masamang epekto, at ang unang tinatamaan nito, ay ang poor sectors. Ang mga mahihirap. Ang mga nabubuhay below the poverty line. Ang mga less than 3 times lamang kumakain (o minsan pa nga'y walang pagkain sa isang araw). Ang mga napipilitang magtrabaho dahil kumakalam ang tiyan. Ang mga batang ito...







Matagal nang problema ng bayan natin ang suliraning ito. Kailan kaya masosolusyunan? Kailan kaya makakadama ng kaginhawaan ang mga batang ito? Kailan kaya sila makapag-aaral, makapaglalaro, at makakakain nang sapat? Ang sagot ba'y nasa kanila mismo o kailangan nila ng tulong? Maaaring nasa iyo ang solusyon!

Maraming mga ahensiya ng gobyerno at mga NGOs ang may mga programa para sa mga kabataan. Maging ang international community ay sangkot sa pagsugpo sa kaawa-awang kalagayang ito ng lipunan. Nariyan ang UNICEF (United Nations Children's Fund) na nagbibigay ng serbisyo sa kalusugan at pangkalahatang kalagayan ng mga kabataas sa buong mundo. Sa pamamagitan ng mga kontribusyong nakokolekta sa ilang sangay ng gobyerno at mga pribadong mamamayan, natutulungan ang maraming kabataan. Naaalala ko pa nga dati nung nasa grade 5 pa lang ako ay nagbebenta ng mga Christmas cards ng UNICEF. Siyempre, ang fund na makokolekta rito ay mapupunta sa kapakanan ng mga kabataang kailangan ng tulong at pagkalinga.

Isa lamang ang UNICEF sa mga charitable institutions for children. Ilan pa sa kanila'y ang Make-A-Wish Foundation, Save the Children, World Vision, PCSO, Jollibee, McDonalds, ABS-CBN Foundation, GMA Foundation, Tuloy Foundation, Gateway to Heaven, The Sidewalk Angels, Missionaries of Charity, at marami pang iba!

Kahit kaunting tulong sa kahit paanong paraan ay MALAKI nang pagbabagong maidulot sa mga kabataang ito. 'Wag mong sayangin ang oras mo sa ilang wala namang kabuluhang bagay kung nasa harap mo na ang mas karapat-dapat bigyang pansin. Ang mga kabataang namamalimos sa kalsada, na imbes na pinandidirihan ay dapat tulungan, dapat bigyang-pagmamahal. Kung sa una'y nandiri o naasar ka sa mga batang kinalabit ka na lang bigla, o sa batang bigla na lang sumasampa sa jeep at nagpupunas ng iyong sapatos, bumawi ka sa kanila! Ipakita mong sila'y nabibilang sa populasyong kailangan pakitaan na sila ri'y may pribilehiyo at karapatang sumaya. Bumawi ka sa pamamagitan ng mga donasyon sa mga charitable foundations for children.

Kung gusto mong mag-sorry dahil hindi mo sila nabigyan ng kahit kaunting barya, o kung nairapan mo sila sa daan, maaaring hindi mo na sila ulit makita. Hindi dahil nakikipagsapalaran sila sa ibang lugar at dun namamalimos at naghahanap ng pagkain, kundi dahil nagbago na ang direksyon nila sa buhay, maaaring nakupkop na sila ng mga may mabubuting puso, o kaya'y napaaral na sila at napakain ng pondong naipon mula sa kaunting baryang donasyon mula sa IYO.

Credits: Images taken from http://www.photographersdirect.com/







Facebook Comments

blog comments powered by Disqus
This Is The Oldest Page