Monday, September 3, 2007

Hustisya para kay Cris Mendez

Cris Anthony Mendez
(1987-2007)



Tulad ng mga kaanak at kaibigan ng UP Diliman graduating student at umano'y hazing victim na si Cris Anthony Mendez, nakikidalamhati rin ako sa kanila - sa kanilang paghahanap ng katotohanan at pagsisigaw ng hustisya.

Si Cris, o CA sa kanyang mga kaibigan, ay isang aktibong student council officer sa UP. Nang mabasa ko ang blog entry sa buhaybahay, nadurog ang puso ko. Naisip ko tuloy 'yung panahong nag-i-inquire pa lamang ako sa admission ng UP Los BaƱos kung saan natanggap ako sa kursong Civil Engineering. Ibinalita kasi noong may pinatay na graduating student doon, kaya't sa pangamba'y hindi ko na itinuloy ang pagpasok sa unibersidad, kahit alam kong masasayang ang pagkakataon.


wala na. di ka na namin makikita...


Mahirap talagang magpaalam sa minamahal ano? Na kahit anong gawin nati'y hindi na maibabalik ang dati, hindi na natin siya makikita, hindi na natin maa-appreciate ang kanyang kabutihan. At tanging ang mga masasayang alaala na lamang ang matitira. Yoong mga panahong kay sarap ng kanyang mga ngiti at parang buhay na buhay pa rin siya...sa ting puso at isipan.








Facebook Comments

blog comments powered by Disqus