Saturday, December 15, 2007

Salamat

Sa 20 taon kong pamamalagi sa mundo napakarami ko nang bagay na dapat ipagpasalamat.

Ang buhay ko, ang pamilya ko, ang mga talento ko, ang mga kaibigan ko.

At siyempre ang nagbigay ng lahat ng ito sakin - ang Panginoon.


Pero gusto kong nakawin ang sandaling ito para magpasalamat sa mga taong nakilala ko dito sa blogging world.

'Yung iba, hanggang sa palitan lang ng comments. Pero yung iba nakita ko na in person.

Yung mga nasa blog roll ko ngayon, 'yung iba dyan nakilala ko na before pa man ako mag-blog dito. Pero hayaan mong i-introduce ko pa rin sila.


ANG AKING MGA SCHOOLMATES

McRey - yan si McRey, o "Salad Boi", pareho kami niyan ng birthday (April 8th). Co-editor ko rin yan sa publication (The Cursor) ng school namin (FEU-East Asia College). Siya ang literary editor at ako naman ang news editor.

JL - si JL na may-ari ng "pinakawalang-kwentang blog" ay dati ko ring co-editor sa publication ng school namin. Layouts editor naman siya. Ito ang kauna-unahang Nicanor Reyes Awardee ng school at grumaduate pa nang cumm laude. Astig! Siya ang panlaban ng school sa mga programming contests. At kapag kasama ako sa mga laban niya to cover the news, lagi siyang first place. Dahil dun, ako ang naging "lucky charm" niya sa mga contests niya. Hehe.

Pia - Si Pia naman ay classmate ko since 2nd year college. Pareho kami ng internship site (Sykes Asia, Inc.) pero na-absorb na siya as a contractual employee early November pa lang. Ka-group ko rin to sa Web Project (thesis) namin. Siya ang aming designer dahil astig siya sa pagdi-design! Pati na rin sa Fireworks at Photoshop!

Rakz - Si Racquel na classmate naman ni JL ay isang active student leader at YFC officer ng school. Malupit din 'tong isang 'to. Isa siya sa apat na grumaduate as magna cumm laude ng Batch 2007. Tulad ni JL, pinanlalaban din siya sa mga programming contests.

Jayson - Si Jayson ay nakilala ko dahil sikat siya sa kanyang katalinuhan. May rumors sa school na siya ang magiging kauna-unahang summa cumm laude ng school pagka-graduate niya by 2009. Isa rin yang active office ng ACM-FEUEAC chapter. Malupit din sa programming at pinanlalaban din sa mga contests tulad nina JL at Racquel.

Champ - Si Champ ay isang active YFC officer ng school. Hindi man kami magkakilala nang lubusan ay sigurado naman akong nakita ko na siya sa school.

Hazel - Si Hazel, bago ko pa man maging schoolmate, ay kilala ko na simula pa kindergarten. Lumaki kasi kami sa parehong community although may ilang blocks ang layo ng bahay nila. Pareho kami ng school since kinder nga, pero ahead siya ng isang taon sa'kin. Malupit din 'to. She graduated Salutatorian noong high school at consistent achiever ng college.

Dan - Si Dan ay schoolmate ko rin. Blog name pa lang niya alam mo na kagad ang hilig niyang kainin - tsokolates! Hehe.

Gian - Si Gian ay president ng org namin dati na Web.IT. Malupit din to sa paggawa ng mga systems. Ngayon ay president na siya ng ACM-FEUEAC chapter.

Jen - Si Jen ay classmate ko rin simula 2nd year college. Ito ang "master" namin pagdating sa programming. Minsan may pagka-wirdo 'tong taong to. Sabihin ba naman si Marian Rivera na si Marian dela Riva. LOL. Tawang-tawa kami ng time na yun. At amin-amin na lang yun. :P


ANG MGA NAKILALA KO SA BLOGGING WORLD

Uunahin ko muna yung mga hindi ko (pa) na-meet in person.

Rowjie - Si Rowjie isa yan sa mga nakilala ko dito sa Blogspot. Siya yung una sa mga nakapalitan ko ng link dahil sa blog hopping ko. Artistic ang kanyang taste sa designing. Gusto ko rin yung style niya ng blog entries na ginawa through the form of letter.

Russ - He is definitely one of my idols sa writing! Na-aamaze talaga ako sa mga posts niya. At lalo pa when I knew na he's into arts. He never forgets to drop me a smile kahit alam kong busy siya sa work niya.

RB - Si RB (Richard Bryan) o mas kilala sa bansag na King Daddy Rich ay pormal ko nang naging kapatid. Hehe. We're text buddies pero hindi nga lang ganun kadalas (Sun kasi network niya). May promise pa 'ko dito na iti-treat ko siya. Hayaan mo, malapit na 'yun. Sa January 9, sa MOA. Haha. Magsawa ka sa treat ko! LOL.

Ivan Harry - Gustong-gusto ko rin ang style ng pagsulat ni "Lolo". At ako ang kanyang apo sa tuhod. Hehe. Kasama rin siya sa darating na TriNoMa food tour. Kaya makikita na rin kita 'Lo!

Bryan Miseducated - Ironical ang name ng blog ni Bryan dahil makabuluhan ang kanyang mga posts. Kadalasang maiikli pero lubos naman ang nilalaman. Isa siya sa mga laging nagko-comment sa mga posts ko. :)

Dexter - Astig rin 'to sa pag-design ng mga banners! Mahilig siya sa mga gadgets at pati na rin sa Pokemon! (pareho kami). Finance student 'to kaya sure akong magaling 'to sa pagcompute at pagkuwenta. XD

Mrs. J - Na-meet ko na sana 'tong si Mrs. J dahil pareho kami ng pinuntahang student leaders' convention sa Baguio noong nakaraang buwan. Maaaring nandun lang siya sa tabi-tabi noong panahong nanonood kami ng cultural presentation ngunit hindi lang talaga kami pinagtagpo ng pagkakataon. Hehe.

Justin - Si Justin ang latest kong naging friend dahil sa blog hopping. I am touched sa ilang mga posts niya. Medyo nakaka-relate ako actually.

Isasama ko na rin dito si Hannah.

Hannah - Bagong employee siya sa internship site ko. Mahusay siya sa photography! As in! Bilib talaga ako sa mga shots niya ng landscapes. At yung mga shots niya ng mga kids.


ANG MGA NA-MEET KO NA

Jhed - Siya ang kauna-unahang blogger na na-meet ko. Matangkad siya. Nanliliit nga 'ko pag kasama ko 'yan eh. Haha. Nakaka-relate ako sa ilang mga bagay sa buhay tuwing nagkukuwentuhan kami sa text. Tulad na lang ng mga problema, lalo na sa pera. Haha! Siya ang nag-buzz sakin sa YM about sa TriNoMa food tour. Kaya nag-sign up kami kagad. Magkasunod pa nga kami sa list eh. Isa siya sa awardee ng 10 emerging influential blogs ng 2007 ni Digital Filipino.

Ely - Si Ely ang kauna-unahan kong nakilala at nakapalitan ng link dito sa Blogspot. Nagkataon pa na pareho kami ng company, kung saan nagwo-work siya as an agent. Ka-chat ko rin 'yan lagi tuwing ginagabi ako ng uwi (night shift kasi siya). Nakakatuwa 'nung nakita ko siya, kasi hindi naman talaga 'yun planned o intended na pagkikita. I was in a mall kasi last Saturday. May pasok talaga ako 'nun pero tinamad ako. Haha. Habang naglalakad ay may nakita akong parang familiar sa'kin. Dahil familiar sa'kin ay sinundan ko siya. Nang ma-confirm kong si Ely nga 'yon ay kinonfirm ko pa rin at tinext ko siya. Nakalabas na siya ng mall pero tinext ko siya na bumalik. At 'yun, bumalik nga siya dahil may nakalimutan daw siyang bilhin. At nagkita na nga kami. Nagkuwentuhan ng ilang mga bagay at matapos ang mahigit isang oras ay naghiwalay na ng landas dahil kailangan niya pang matulog dahil wala pa siyang tulog 'nung time na yun. Hehe.

Chio - Isa rin siya sa mga una kong nakilala dito sa Blogspot. Nagustuhan ko kagad 'yung banner niya dahil napaka-expressive at unique. Nag-audition pa 'yan sa PBB Teen Edition pero sa kasawiang-palad ay hindi natanggap. Hehe. Pero sabi ko nga sa kanya, at least napakita niya kung ano ang makakaya at ang best niya. Na'ng ma-meet ko siya (with Billy ang the rest of the TGEs) sa Marikina Riverparks, mas nakilala ko pa ang isang makulit at masayahing Chio. Text buddies din kami at lagi siyang nagpa-participate sa Text Quiz ko. Hehe. Dahil din sa text ay marami akong nalaman tungkol sa buhay niya. And I'm looking forward to knowing more about this person. Kwela, magaling kumanta, weird minsan. Ano pa kaya ang bumubuo sa isang Archimedes Petilla, Jr.? :P

Billy - Isa rin siyang Tamaraw at isa sa mga una kong nakilala sa blogging world. Kakaiba ang style ng writing nito sa blog. Puro dots! Hehe. Pati sa text puro dots! Mahilig 'to sa GM at madalas ma-late sa klase. Mabagal din kasing kumilos (tulad ko) hehehe. Mahilig din sa PC at PSP. Na'ng ma-meet ko siya with Chio sa Riverbanks ay tahimik lang siya sa simula. Pero nung magtagal ay nagkapalitan na rin kami ng mga kwento. Siya yung taong tini-treasure talaga yung mga binibigay sa kanya. At higit sa lahat, siya 'yung nagti-treasure ng mga kaibigan. Totoo 'to sa sarili. May pagka-wirdo rin minsan. Biruin mo, tuwang-tuwa 'nung lumindol! Haha! Alam kong marami pa 'kong matutuklasan sa taong 'to. At lubos kong ikalulugod ang malaman ang mga ito.


Sa inyong lahat, lubos akong nagpapasalamat. Matatapos na ang taon pero tiyak akong hindi matatapos ang pagiging magkaibigan natin dito, o sa totoong mundo. Hiling ko sa inyo ang isang masagana at masayang Pasko. And I'm wishing you all the best sa career na tinatahak ninyo!

At 'wag n'yo rin sanang kalimutan ang aking regalo...

LOL!







Facebook Comments

blog comments powered by Disqus