Sunday, May 11, 2008

Mama

Hinahatid mo pa ako nun lagi sa school kahit high school na 'ko
Nahihiya pa nga ako dahil iniisip ko
na pagtitinginan at pagtatawanan ako ng mga kasabayan ko
Pero hindi ko naisip na kaya mo pala ginagawa iyon
ay dahil mahal na mahal mo ako...

Lagi mo akong pinapagalitan dahil makulit naman talaga ako
Nagagalit pa nga ako sa 'yo at pinag-iisipan pa kita nang masama
dahil pinapalo mo 'ko
Pero hindi ko naisip na kaya mo pala ginagawa iyon
ay dahil mahal na mahal mo ako...

Ikaw yung taong hindi masyadong vocal sa mga nararamdaman
Pero nung magkuwento ka ng buhay mo,
naiisip ko lagi kung ga'no karami yung mga pinaghirapan mo
Likas kang masipag at lagi mo muna kaming inuunang isipin bago ang sarili mo
Pero madalas hindi ko nakikita at napapansin ang mga efforts mo
Naiintindihan ko na kahit mabugbog na ang katawan mo sa pagod para sa kapakanan namin,
ay dahil mahal na mahal mo kami...

Wala pong papantay sa kadakilaan ninyo
Salamat sa lahat ng iyong mga ginawa sa amin
Sa iyong walang-katumbas na pagmamahal...

Ngayong malaki na kami'y ikaw naman ang dapat bigyang-pansin
Ikaw naman ang dapat bigyang-pagmamahal
Sapagkat karapat-dapat lang sa sa isang inang tulad mo'y
Biyayaan ng lahat ng magagandang bagay sa mundo







Facebook Comments

blog comments powered by Disqus