Wednesday, July 23, 2008

Ang pambihirang Pinoy online game

Mahilig akong maglaro ng mga online games. Ilan sa mga paborito ko ay Ragnarok Online, Perfect World, Cabal Online, PangYa, at Gunbound. Nakaka-challenge kasi para sa akin ang magpa-level-up ng character. Kailangan mong pumatay ng mga monsters, kumpletuhin ang mga quests, at ang pinakamasaya, ang makakilala ng maraming online friends.

Taong 2004 nang magsimula akong maadik sa online gaming. Sa community kasi namin noon, nagsisimula nang mag-boom ang industriya ng pagtatayo ng mga computer cafes. Sa kanto lang namin ay may murang rentahan ng mga PC - 15 pesos lang, mura nang maituturing ng mga panahong iyon. Halos lahat ng mga pumupunta doon ay iisa lang ang pakay - maglaro.

Noong una'y patingin-tingin lang ako sa mga naglalaro doon. Na-curious ako kung pano ba naglalaro ng mga ganoong online games. Patok na patok noon ang Ragnarok Online. Dahil na rin sa engganyo ng mga kakilala ko doon, nag-register ako at tinuruan nila ako ng mga basics ng game. Ayun, nagustuhan ko naman at halos araw-araw ay naroon ako sa cafe, maliban sa mga pagkakataong may pasok sa school. Proud ako sa sarili ko dahil kahit naaadik ako noon sa online gaming ay hindi ko naman napabayaan ang pag-aaral ko. Yun nga lang, napabayaan naman ang budget ko, dahil sa Ragnarok Online, kailangan pa noong mag-load para makapaglaro. Minsan nga naisip ko, kung susumahin ko lahat ng nagastos ko sa paglalaro, malamang ay nakapagpatayo na ako ng sarili kong computer cafe. Joke.

Minsan kapag walang connection, may problema sa Internet, o kaya'y mas bantog sa tawag na "DC", offline games ang nilalaro ko. Ilan sa mga paborito ko ay ang Battle Realms, Yuri's Revenge, at lately, and Warcraft III: Frozen Throne.

Nag-college na ako at adik pa rin ako sa Ragnarok Online at iba pang games. Noong mga unang taon ko sa kolehiyo, tuwing break time ay nagpupunta ako sa mga cafe na may mga promo. 3 hours for 35 pesos o kaya minsan ay 5 hours for 50 pesos kung mahaba-haba ang break ko. Bestfriend ko noon si Ragnarok. May mga times pa nga na nakakalimutan ko nang kumain makapaglaro lang. Ganun ako kaadik.

Nang maging busy na sa college nitong mga huling terms, dahil sa projects at thesis, medyo nabawasan na ang pagkahilig ko sa online games. Gayunpaman, hindi pa rin nawawala sa akin ang pagiging true blue gamer ko. Sa tuwing may mga bakanteng oras o kaya'y kapag weekend, nagpupunta pa rin ako sa mga cafe para doon maglaro. Nagta-try ng mga bagong games, at nag-e-explore ng mga bagong game tactics.

Dahil na rin sa kursong kinuha ko, ang Information Technology, nagkaroon ako ng mas malawak pang pang-unawa sa kung paano ginagawa ang mga online games. Sa mga programming subjects namin, naiisip ko at nagkakaroon ako ng konsepto kung paano binubuo ang isang game - mula sa mga maliliit nitong aspeto hanggang sa pangkalahatang bahagi nito. Mga programs at designs ang nagpapatakbo sa kabuuang system ng online gaming. Mga logic. Mga codes.

Naisip ko, at nang lumao'y naging isang pangarap, na bumuo at magdisenyo ng isang online game. Pero sa kakayahan ko ngayo'y masasabing "marami pa akong kakaining bigas". Hindi biro ang pangarap na ito. Kinakailangan ng maraming oras, panahon, at pag-iisip para maging matagumpay. At siguradong hindi ko ito makakayang mag-isa. Kailangan ko ng mga makakasama.

Sa ngayo'y pangarap pa lang ito, ngunit alam kong magiging isang katuparan pagdating ng tamang panahon. Ngunit ngayon pa lang ay may maliit na kalokohan na akong naiisip para sa aking bubuuing laro. Ang konsepto: Pinoy na Pinoy.

Ang naiisip kong laro ay sumesentro sa pang-araw-araw na komunidad ng Metro Manila. Mga iba't ibang tao ang bumubuo dito. Iba't ibang uri ng nilalang na may iba't ibang propesyon at antas sa buhay. Sila ang magpapaikot sa laro. Sila ang kabuuan ng laro.

Sa bawat game ay may mga characters, at naisip ko na ang mga tao sa paligid natin ang gagawin kong mga characters. Ang mga skills nila, may konting touch ng exaggeration para sa kapakanan ng game, pero kung iisipi'y nangyayari naman sa totoong buhay.


Character:
Pulis
- ang tagapagtanggol ng komunidad. Sumusupil sa mga masasamang-loob.

Skills:
Pito (whistle) - nagpapahinto ng ilang segundo, may 20% chance na maka-stun. Nagpapataas din ng strength (STR). Sa level 10 nito ay may bonus na 10 sa damage (DMG).
Pagpapahinto (full stop) - nagpapahinto sa lahat ng kalaban na nasa 5 x 5 cell area. Ang duration ng paghinto ay depende sa agility (AGI) ng kalaban. Mas mataas na AGI ay mas maliit na oras ng paghinto.
Pagsupil (eradicate) - ang pinakamalakas na active skill ng Pulis, nagpapataas ng STR, AGI, at DEX at nagpapabilis ng paglakad. Ginagamit ito sa paghabol sa mga magnanakaw at mandurukot.
Malawakang pagmamasid (alert and keen observance) - isang passive skill na nagpapataas sa pagsagap ng mga posibleng krimen at kaguluhan sa komunidad. Nagpapataas din ng good attitude value (GAV).

Items/Equipments:
Batuta at Baril - ang basic weapons ng pulis.
Radar - ginagamit sa pagsagap ng mga krimen at kaguluhan. Required skill: lvl 3 Malawakang Pagmamasid.
Pito - gamit na kailangan upang makapag-pito o whistle.


Character:
Drayber - ang nagpapamaneho sa iba't ibang uri ng sasakyan sa Metro Manila. Tagapaghatid ng mga pasahero.

Skills:
Matutong magmaneho nang wasto at makabuluhan (Learning to drive properly and orderly) - isang passive skill ng Drayber. Nagpapataas ng luck (LUK) at health (HLT). Habang tumataas ang level nito'y nagbibigay sa drayber ng kakayahang maiwasan ang mga aksidente sa kalsada at nagpapalaki sa kabuuang kita nito. Mas mataas ang level ay mas maraming pasaherong makukuha.
Discount sa gasolina (Discount on gasoline) - nagbibigay sa drayber ng discount sa pagbili ng gasolina. Sa level 10 nito'y makakakuha ang drayber ng 15% discount sa gasolina.
Pagkuha ng lisensya (Getting the driver's license) - ang pangunahing skill ng drayber. Kailangan ng lisensya upang makapag-drive.
Kaskas/Barurot/Kambyo (Driving rage) - ang active skill ng drayber. Mas mataas ang bawas kung mas malaki ang LUK at dexterity (DEX) ng driver. Ang DEX ang nagpapataas ng capacity ng driver na magdrive nang matulin at nakakapagpalinaw sa paningin ng drayber kahit sa mga madidilim na kalsada.
Iwas-pandaraya (Avoid deception) - passive skill ng drayber na nagbibigay sa kanya ng malinis na konsensya upang suklian nang tama ang mga pasahero. Nagpapataas ng GAV.

Items/Equipments:
Lisensya - kailangan upang makapag-drive. Daraan ang drayber sa mga exams upang makakuha nito.
Sasakyan - kailangan upang makapag-drive. Maaaring pumili sa jeep, bus, taxi, FX, at tricycle.
Taripa - listahan ng mga kaukulang presyo ng bayad sa bawat ruta. Ini-issue sa pagkuha ng lisensya at taripa.


Character:
Manggagawa - ang bumubuo sa workforce ng komunidad at ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon.

Skills:
Pagpili ng industriya (industry selection) - passive skill na kinakailangan upang makapamili ang manggagawa ng industriyang kanyang papasukan. Ang mga industriyang pagpipilian ay ang mga sumusunod: Construction, Pagmimina, Electronics, Pagsasaka at Agrikultura, Manufacturing, at Serbisyo. Ang bawat industriya ay may kanya-kanyang kakayahan at skill.

A. Industriya ng Construction
- ang mga manggagawa na pumili ng industriyang ito ay may kakayahang makapagtayo ng mga gusali, tulay at mga pisikal na istruktura sa komunidad. Pangunahing attribute ay STR para lakas at AGI para sa bilis ng trabaho.

B. Industriya ng Pagmimina - ang mga manggagawa na pumili ng industriyang ito ay may kakayahang makapagmina ng mga yaman sa lupa tulad ng ginto at diamante. Pangunahing attribute ay STR para sa lakas at weight limit at DEX sa pagmamasid ng mga hinuhukay na yaman.

C. Industriya ng Electronics - ang mga manggagawa na pumili ng industriyang ito ay may kakayahang gumawa ng mga kagamitang pang-elektroniko, mga gadgets, at mga makabagong kasangkapan. Pangunahing attribute ay intelligence (INT) para sa pagpapataas ng kaalaman sa research at teknolohiya at AGI para sa bilis ng trabaho.

D. Industriya ng Pagsasaka at Agrikultura - ang mga manggagawa na pumili ng industriyang ito ay may kakayahang makapagsaka at makapag-ani ng mga yaman mula sa lupa at tubig tulad ng mga hayop at isda. Pangunahing attribute ay intelligence (INT) para sa pagpapataas ng kaalaman sa research at teknolohiya at AGI para sa bilis ng trabaho.

E. Industriya ng Manufacturing - ang mga manggagawa na pumili ng industriyang ito ay may kakayahang makapaggawa ng mga end products mula sa iba't ibang yaman na nakukuha sa kapaligiran. Ilan sa mga products ay damit, sasakyan, mga appliances, atbp. Pangunahing attribute ay AGI para sa bilis ng trabaho at INT para sa efficiency at pagbawas ng marginal error sa pagmanufacture.

F. Industriya ng Serbisyo - ang mga manggagawa na pumili ng industriyang ito ay may kakayahang makapagsilbi sa mga mamamayan sa pamamagitan ng paglalaan ng oras sa pagpapaganda ng kapaligiran at pagpapanatili ng kaayusan. Pangunahing attribute ay AGI para sa bilis ng trabaho, INT para sa kaalaman at expertise, at LUK para sa determinasyon sa trabaho at paghihikayat sa mga tao.

Eksperto sa Trabaho (Work expertise) - nagpapataas ng pangunahing attribute depende sa piniling industriya.
Pinakamataas na Lakas (Power maximize) - isang active skill na nakakalikha ng 5 * base attributes * skill level na DMG.
Konsentrasyon (Concentrate) - nagbibigay-panahon sa mangagawa na mag-focus sa kanyang trabaho pansamantala, nagpapataas ng HLT at energy (ENE) recovery.

Items/Equipments:
Work tools - mga kagamitang ginagamit depende sa piniling industriya. Halimbawa ay: martilyo, shovel, metro, pipes, cable wires, fishing net, herd stick, gunting, gloves, radar, at makinilya.
Umento sa sahod badge - badge na nagpapataas ng GAV ng manggagawa at naghihiling sa kumpanya ng karagdagang sahod sa bawat matagumpay nitong trabaho. Ang sahod ay depende sa taas ng base level at Konsentrasyon.


Character:
Pulitiko - ang gumagawa at nagpapatupad ng mga batas. May mataas na pinag-aralan at ang tagapagsagip ng republika.

Skills:
Matuto ng tamang kaalaman (Learn the proper knowledge) - isang passive skill na nagpapataas ng INT ng Pulitiko. Nagsisilbing gabay ng Pulitiko sa pagpapatupad ng mga makabuluhan at makatarungang batas, nang walang bahid nang pamumulitika at pangungurakot.
Serbisyo-publiko (Public service) - isang active skill na nagpapataas ng AGI, DEX, LUK at vitality (VIT) ng mga mamamayan upang maging matatag sa mga suliranin at kahirapan. Nakabase ang epekto at duration ng skill na ito sa level ng Matuto ng tamang kaalaman at base level ng character.
Patutsada (Blade talk) - isang active skill na nakaka-damage depende sa INT at base level. Nagpapababa din ito ng LUK at AGI sa maikling panahon. Kapag ginamit ito sa kapwa Pulitiko, nangangalahati ang INT at LUK ng kapwa character sa loob ng 15 * skill level na segundo.
Sakripisyo (Sacrifice) - ilang bahagdan ng HLT at ENE ng Pulitiko ay naibabahagi sa mga mamamayan. Ang mga nabahagiang mamamayan ay pansamantalang makakakuha ng bonus sa HLT, ENE, at lahat ng attributes.

Items/Equipments:
Bibliya - magsisilbing gabay ng mga Pulitiko sa mabuting-asal at tamang pamamalakad sa kanyang mga nasasakupan.
Constitution - ang pangunahing item ng Pulitiko. Dito siya kumukuha ng mga kaalaman sa pagpapatupad ng mga batas.
Mga papeles at artifacts - mga babasahing kakailanganin ng Pulitiko sa pagpapaunlad ng kanyang komunidad.
Anti-corruption badge - isang badge na nagpipigil sa Pulitiko na mangurakot.


Character:
Pari (Priest) - ang tanglaw ng mga mamamayan sa mabuting pag-uugali at pananalangin sa Maykapal. Ang mga Pari ang naggagabay sa mga mamamayan sa mabuting landas.

Skills:
Paghilom (Healing) - nakaka-recover ng mga karamdamang panloob at panlabas, at HLT.
Basbas (Blessing) - pansamantalang nakapagpapataas ng lahat ng attributes ng character.
Mensahe ng Diyos (God's Message) - isang passive skill na nagpapataas ng INT at ENE ng Pari. Layunin nito na epektibong maiparating sa mga mamamayan ang mga turo ng Diyos at upang magabayan sila sa tamang asal.
Depensa sa Kasamaan (Protection against evil) - isang active skill na nagbibigay-kaliwanagan sa character na ginamitan nito na huwag gumawa ng masama.

Items/Equipments:
Bibliya - ang gabay ng mga Pari sa pagpapahatid ng mensahe ng Diyos sa mga mamamayan.






Ang game name? PILIPINAS.







Facebook Comments

blog comments powered by Disqus