Thursday, July 31, 2008

The Pinoy Beatles

Lift your head

baby don't be scared

of the things that could go wrong along the way...




Kung ka-edaran kita at pareho tayong lumaki at nabuhay sa Pilipinas, malamang ay kilala mo rin sila, tulad ng pagkakakilala ko sa kanila at ng mga kabarkada ko. Sino ba naman ang hindi? Sila ang nagpasikat sa maraming OPM alternative rock songs. Sila ang nag-inspire sa maraming kabataan noong '90s. Sila ang bumuhay sa music industry ng bansa. Sila ang ERASERHEADS.


Binubuo nina Ely Buendia (lead vocal/lead guitar), Raymund Marasigan (drums/back-up vocals), Buddy Zabala (bazz guitar), at Marcus Adoro (lead guitar) ang Eraserheads. Mga mag-aaral sila ng UP noon na nag-form ng isang banda kung saan ang pangalan ay hango sa isang pelikula. Noong una ay patugtog-tugtog lang sila noon sa mga schools kapag may mga gig, pero nang bigyan ng chance ang banda na mag-release ng album, naging smash hit naman ito at tinangkilik ng publiko.


Alam ko ang mga E-heads songs kahit grade schooler pa lang ako noong time ng kanilang kasikatan. Madali kasing intindihin ang mga kanta, at hindi maikakaila na nakaka-relate talaga ang mga tao, lalo na yung mga college students nung time na yun. At hanggang ngayon, kapag pinapakinggan ko ang mga kanta ng all-time favorite OPM band ko, hindi pa rin ako nagsasawa. Dun ko masasabi na timeless ang mga kanta ng E-heads. Hindi nalalaos. In fact, marami na ngang ginawang covers at versions ng E-heads songs ang ibang mga artists eh. Pero iba pa rin ang orig. Iba pa rin ang the best.


Halos araw-araw puro E-heads songs ang tugtog sa radyo noon. Patok na patok eh. Sinasabayan. Naaaliw ang mga tao. Masang-masa ang dating mga mga kanta ng E-heads.


Ilang taon ding naghari ang E-heads sa music industry ng bansa. Nitong late-'90s at early 2000's na-form na ang maraming banda. By 2002 ay nag-quit si Ely Buendia sa group at na-disband na nang tuluyan ang banda. Sayang naman, sabi ko sa sarili ko. Pero nung time na yun ay medyo nawawala na rin ng limelight ang E-heads, dahil na rin siguro sa dami ng mga nagsulputan at sumikat din namang mga banda.


Ilang years lang after ng break-up ng mga members ng grupo, nag-alay ng tribute para sa E-heads ang maraming OPM artists. Medyo napa-usog ako noon, kasi naisip ko, "tribute?", eh andyan pa naman si Ely. AT masyado pang maaga. Pero naging success naman ang tribute, dahil pumatok pa rin sa records ang mga revivals ng E-heads songs.


Gusto kong mabuhay ulit sa panahon ng Eraserheads. Yung panahong gustong-gusto ko ang music at naaappreciate ko ang galing ng Filipino talents. Pero malabo na yun.


Aasa na lang ako sa darating na August 30 2008, dahil may ERASERHEADS REUNION na mangyayari. I'm sure maraming pupunta dito. Ayon kay Ely, ito ay para sa mga loyal E-heads fans.


Sana makapunta ako. At gusto ko!







Facebook Comments

blog comments powered by Disqus