Monday, August 4, 2008

(Almost) Dropped Pants

Monday morning. Nagpe-prepare na 'ko papuntang work. Napansin kong parang may kulang. Hinanap ko. Sa kama. Sa mga damit. Sa labahan. Sa aparador. Sa mga upuan. Sa kung saan-saan. Hindi ko makita. Kaasar.


Kinuha ko na lang yung hindi akin. Sa kuya ko yun. Asar, siguro sinuot niya yung sakin. Pero OK lang. Ang mahalaga ay may maisuot. 'WAG LANG YUNG WALA.


Nasuot ko na. Konting ayos ng buhok na nilagyan ng wax. Konting suklay. Konting porma sa harap ng salamin. Larga na. Lakad. Lakad. Sakay ng jeep. Sakay ng jeep. Sakay ng MRT. Baba ng Boni Avenue station.


As usual, masikip na naman pagsakay ko pa lang ng MRT. Kahit pagbaba. Muntik pa nga kong masarahan ng pinto ng tren dahil nasa bandang gitna ako at hindi makalabas.


Nung papalabas na ko, parang may kakaiba akong nararamdaman. Unti-unting lumuluwag. Unti-unting nalalaglag. Waaaaaaahhh!!!


ANG SINTURON NA SUOT KO, NASIRA!!!

At muntik na 'kong maganito:


Note: Hindi po ako 'yan.


Natanggal kasi yung bakal. As in. Para akong tanga paglabas ng MRT. Para akong bagong tuli na inaangat yung suot kong pantalon. Buti na lang, may bench kagad akong nakita paglabas. Buti na lang katapat lang yun ng pinto ng tren na pinaglabasan ko. Kung hindi, instant STRIP SHOW ang magiging eksena sa MRT station.


Umupo ako, inayos-ayos ang sinturon. Wala na talagang pag-asa. Umakyat ako ng elevator. Nag-CR. Dun ako gumawa ng paraan. Binuhol ko na lang yung sinturon. Bahala na kung ano'ng hitsura. Buti naman nabuhol ko siya. Yung buhol ng parang sa karatista.


Hanggang sa kasalukuyan eto pa ring sirang sinturon ang suot ko. Bibili na'ko. Mamaya. Pag-uwi ko. Pagkatapos ng post na 'to.







Facebook Comments

blog comments powered by Disqus