Ano ba ang pakiramdam ng sobrang pagka-miss sa isang tao?
Monday, May 4, 2009 by Reyn
Mahirap. Masakit. Nakakalungkot.
Ilang linggo na rin siyang wala. Tuloy naninibago ako sa takbo ng mga bagay-bagay. Hindi ko na naririnig ang boses niya. Hindi ko na siya nakikita. Wala nang nagpapasaya sakin. Wala nang nagpapasaya samin. Kung tutuusin, siya ang kasiyahan ko. Siya ang pampatanggal sa mga kalungkutan ko. Makita ko lang siyang masaya, makita ko lang siyang tumatawa, masaya na rin ako. Pero ngayong wala na ang mga ngiti, ngayong wala na ang boses niyang tila boses ng anghel sa aking pandinig, parang pakiramdam ko'y may kulang. May kalungkutan. May pangungulila.

Ilang linggo na ring wala si Bea, ang pamangkin ko. Bumalik ka na sa bahay. Sobrang miss ka na namin :-(
Love na love ka ni Tito Tonton... :-(

Wow, that's sweet! Iba talaga ang nagagawa ng bata sa bahay, pampawala ng stress! (--,)
sweet nmn!inggit ako!hehe!