ETHEREAL

To David.


The only thing I regret last week is that I never had the chance to meet you face to face during the Meet and Greet.


But I will always be your #1 fan. :)


You really rocked the house last Saturday!


Archuleta.

Liham

Kuya,


Di ko kasi alam gagawin ko eh kaya nasigawan kita kanina. Actually gulong-gulo ako sa nararamdaman ko ngayon. Kaya kung napansin mo medyo may topak ako nitong mga nakaraang araw. Ang hirap pala ng ganito Kuya. Wala naman akong mapagsabihan. Nakailang beses ko pang pinag-isipan kung sasabihin ko sayo, pero dahil nagalit ka yata sakin kaya idadaan ko na lang muna sa sulat. Parang wala pa yata akong mukhang ihaharap sayo pagkatapos ng ginawa ko.


Si Jerome kasi, yung BF ko. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Noon. Ewan. Parang nabawasan na ngayon. Hay kuya. At ang masama pa, parang may iba akong nagugustuhan. Gulung-gulo ako kuya. Di ko alam kung sino pipiliin ko eh. Pansin mo naman na mahal din ako ni Jerome diba? Effort pa lang niya eh. Pero eto kasing isa, parang iba siya eh. Iba siya kay Jerome. Mas masaya ako pag kasama ko siya. Feeling ko mas secured ako pag kasama ko siya. Pag magkasama kami, parang nababalewala na siya Jerome. Hindi ko na siya naiisip. Normal ba to kuya??? Tulungan mo naman ako pls. Kung ibi-break ko siya Jerome, parang hindi ko masisikmurang gawin yun. Baka kainin lang ako ng konsensya ko. Si Jerome na yata ang pinakamabait na taong nakilala ko. Pero ang kabaitan ba ang mahalaga? Masaya ako pag kasama ko yung isa. Mas masaya, kaysa kay Jerome.


Kuya hindi muna kita kakausapin ha. Alam kong galit ka pa, kaya hindi muna kita lalapitan. Baka bukas magkausap na tayo. Sana harapin mo na ko ha. Sorry kuya...di ko yun sinasadya...


Dharl


-----------

Sulat ng kapatid ko na nilagay niya sa bag ko. Kanina ko lang nakita. Rephrased and edited yung ibang sentences. Pabalbal kasi at pasigaw kasi yung sagot niya sakin nung tinanong ko lang naman siya. Haha..
Mahirap. Masakit. Nakakalungkot.


Ilang linggo na rin siyang wala. Tuloy naninibago ako sa takbo ng mga bagay-bagay. Hindi ko na naririnig ang boses niya. Hindi ko na siya nakikita. Wala nang nagpapasaya sakin. Wala nang nagpapasaya samin. Kung tutuusin, siya ang kasiyahan ko. Siya ang pampatanggal sa mga kalungkutan ko. Makita ko lang siyang masaya, makita ko lang siyang tumatawa, masaya na rin ako. Pero ngayong wala na ang mga ngiti, ngayong wala na ang boses niyang tila boses ng anghel sa aking pandinig, parang pakiramdam ko'y may kulang. May kalungkutan. May pangungulila.





Ilang linggo na ring wala si Bea, ang pamangkin ko. Bumalik ka na sa bahay. Sobrang miss ka na namin :-(


Love na love ka ni Tito Tonton... :-(

Blogger Templates by Blog Forum