Saturday, May 26, 2012

Cheesy Pinoy Pick Up Lines 2012

Got one? Check out my list below of some of the cheesiest Pinoy pick up lines:

Screengrab from Star Cinema's "You Changed My Life".

(1)
Ang book nabibili sa bookstore.
Ang gamot sa drugstore.
Eh ikaw? Sa puso ko, naka-store.

(2)
Boy: Samahan mo'ko sa sementeryo.
Girl: Bakit?
Boy: Pupuntahan natin ang puso kong patay na patay sa'yo.

(3)
Girl: Mukha ka nang tatay...
Boy: Huh?
Girl: ...tatay ng magiging anak ko.

(4)
Boy: Airport ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi gusto ko lumanding sa puso mo.

(5)
Parang wala ako sa sarili ko.
Siguro nasa iyo ako.

(6)
Ini-SMALL ka ba nila?
Inii-BIG naman kita.

(7)
Ang init ngayon noh?
Dito ka sa puso ko... malamig. :(

(8)
Lechon ka ba?
Habang umiikot ka kasi sa isip ko,
Pasarap ka nang pasarap sa paningin ko.

(9)
Ang liit lang pala ng kamay mo...
...pero bakit mo nahahawakan ang mundo ko?

(10)
Miss...may payong ka?
Umuulan kasi ngayon ng kagandahan.

(11)
Minamalat na naman ang puso ko.
Pano kasi, laging sinisigaw ang pangalan mo.

(12)
Magaling ka ba sa algebra?
Can you replace my "x"?

(13)
Geometry ba ang favorite subject mo?
Kasi kahit anu'ng angle, ang ganda mo eh.

(14)
Bastos ka din eh no?
Pa'no naman kasi, basta-basta ka nalang pumapasok sa puso ko.

(15)
Kung ikaw ay bola at ako ang player, mashushoot ba kita?
Hindi, kasi lagi kita mamimiss.

(16)
Boy: ID ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi 'pag nawala ka, alam nilang akin ka.

(17)
Pimple ka ba?
Kasi pag pinipilit kitang tanggalin,
Nasasaktan ako.

(18)
Minsan gusto kitang patirin...
Para mahulog ka ka na sa akin!

(19)
Girl: Miss mo ba 'ko?
Boy: Sa ngayon miss pa kita, pero balang araw, misis na kita.

(20)
After an inspection...
Guard: Miss, wag ka munang umalis! Check ko ulet yang gamit mo.. Napasama ata puso ko.

(21)
Boy:Password ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi Hindi kita pde kalimutan eh.

(22)
Boy: May lason ba'ng mga mata mo?
Girl: Bakit?
Boy: Nakakamatay kasi ang titig mo eh.

(23)
Gusto mo libre kita ng SIOMAI AT HOPIA?
So that I can SIO-MAI love for you and HOPIA love me too :)

(24)
May free time ka ba?
Samahan mo naman ako sa psychiatrist, magdala daw kasi ako ng kinababaliwan ko.

(25)
Puwede bang magpa-picture kasama ka?
Para naman ma-develop tayo!








Facebook Comments

blog comments powered by Disqus